Kris Aquino, tanggap ang kasarian ni Bimby

Tanggap na raw ni Kris Aquino ang anumang kasarian ng kaniyang 14-anyos na anak na si Bimby.

Sa inilabas na video ni Kris sa kaniyang social media, makikita ang pag-uusap nilang mag-ina.

Dito ay tinanong ni Kris ang anak sa kaniyang kasarian at matapang na sinabi ni Bimby na kilala niya ang kaniyang sarili at isa siyang lalaki.


Okay lang din naman daw kay Bimby kung ano ang inisip ng lahat tungkol sa kaniyang kasarian.

Magugunitang maraming fans ng TV host ang kumukuwestiyon sa kasarian ng anak nila ng basketbolistang si James Yap.

Facebook Comments