Kris Bernal, target magdagdag ng timbang

Manila, Philippines – Kung ang iba nagbabawas ng timbang – nagsusumikap naman ngayong magdagdag si Kris Bernal.

Matatandaan – inulan ng kaliwa’t kanang pamba-bash ang aktres matapos magpose sa isang men’s magazine kung saan may nagsasabing masyado siyang payat at hindi bagay sa kanya ang bikini photoshoot.

Sey ni Kris – wag sana siyang madaliin dahil ginagawa niya ang lahat para magpataba at madagdagan ang kanyang timbang.


Aminado ang aktres na umabot ng 20 inches ang kanyang waistline dahil sa kanyang pagka-crash diet at kanya itong pinagsisihan dahil nanghina talaga ang kanyang katawan.

Kaya payo nito – iba pa rin ang may exercise na sasabayan ng balanced diet.

 

Facebook Comments