KRISIS SA BIGAS | Duterte, walang balak na sibakin si Sec. Piñol

Manila, Philippines – Hindi kailangan sibakin sa puwesto sina Agriculture Secretary Manny Piñol at mga opisyal ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng krisis sa bigas sa bansa.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, wala siyang nakikitang “serious offense” sa mga pangyayari ngayon dahil wala namang nawala sa bansa kundi nagkakaroon lamang ng “aberration” sa mga pamilihan.

Aniya, ang mga nabanggit na opisyal ay “bounded” ng iba’t ibang batas na dapat sundin.


Una nang ipinanawagan ng ilang mga mambabatas ang pagbibitiw sa puwesto ni Piñol at ni NFA Administrator Aaron Aquino dahil sa problema sa bigas.

Facebook Comments