Pumalo na sa P80 kada kilo ang presyo ng commercial rice sa Basilan.
Una nang isinailalim ang Basilan sa state of calamity bunsod ng krisis sa supply ng bigas.
Dahil dito, ilang residente ang nagta-tyaga na lang sa pagkain ng marang fruit at kamoteng kahoy na nasa P10 lang bilang alternatibo sa kanin.
Samantala, nanganganib naman nang maubos ang supply ng bigas sa Bontoc, Mountain Province.
Mula sa dating 12,000 sako ng bigas ay nasa 54 na lamang ang natira sa warehouse ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay NFA Spokesman Director Rex Estoperez, pag-import ang nakikita nilang solusyon para sa food security.
Pero giit ni Cathy Estabillo, ng grupong Bantay Bigas, ito ay pansamantalang solusyon lamang.
Aniya, dapat pagbutihin ng gobyerno ang pagtulong sa mga magsasaka para mapalaki ang ani ng mga ito.