Krisis sa Marawi City, posibleng matapos sa loob ng 10 hanggang 15 araw ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos na ang gulo sa Marawi City.

Sa talumpati nito Makati City kagabi, sinabi ng Pangulo na posibleng abutin na lang ng 10 hanggang 15 araw ang bakbakan sa siyudad.

Muli namang inihayag ng Pangulo na susubukan niyang pumunta ulit sa marawi matapos na dalawang beses siyang bigong maka-biyahe dahil sa sama ng panahon.


Aniya, hangga’t maaari, gusto niyang makapunta sa marawi habang hindi pa tapos ang bakbakan doon.

Facebook Comments