Krisis sa Marawi, posibleng matapos bago mag pasko

Manila, Philippines – Kampante si PBA PL Rep. Jericho Nograles na matatapos na rin ang krisis at ang martial law sa Marawi pero ito ay bago matapos pa ang taon.

Ayon kay Nograles, ngayong napatay na ng militar ang dalawang lider ng Maute terror group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute tiwala kailangan pang matiyak na wala ng ibang grupo o lider na susulpot bago tuluyang bawiin ang martial law sa Mindanao.

Naniniwala ang kongresista na malaki ang factor ng pagkakapatay kina Hapilon at Maute para sumunod nang sumuko ang iba pang lider at myembro ng teroristang grupo.


Dapat na ring pagtuunan ngayon ng pamahalaan ang pagsasaayos at pagbangon ng Marawi.

Sa oras na bumalik na sa normal ang buhay ng mga tao sa Marawi, maaari na aniyang trabahuin ng gobyerno ang Bangsamoro Basic Law at Federalism.

Facebook Comments