Agad na pinatutugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang krisis sa suplay ng tubig sa Cagayan de Oro City.
Ito’y matapos putulin ng Cagayan de Oro Bulk Water Inc. (COBI) na pinamumunuan ng negosyanteng si Manny Pangilinan ang suplay sa Local Water District (LWD) ng CDO dahil sa umano’y hindi pa nareresolbang sigalot sa P479 million na utang.
Ayon sa Pangulo, nakipag-ugnayan na siya kay Pangilinan para makabalik na ang normal na suplay ng tubig habang humahanap pa ng pang matagalang solusyon.
Pumayag naman aniya si Pangilinan at handa raw itong makipagpulong kay CDO Mayor Rolando Uy.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nabatid na nasa 60,000 residente ang nangangailangan ng tubig sa lungsod at nasa 13 bayan ang apektado ng water shortage.
Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Local Water Utilities Administration (LWUA) na pag-aralan ang posibleng pamamahala sa CDO water district para mapag-aralan ang sitwasyon sa suplay ng tubig sa lugar.