Posibleng magkaroon ng panibagong krisis sa tubig kung walang ulang mararanasan hanggang Hulyo.
Ito ang babala ng Maynilad Services Inc., ang Metro Manila west zone concessionaire.
Ayon kay Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez – ang lebel ng Angat Dam ay posibleng bumaba sa 160 meters, na magreresulta ng pag-slow down ng mga planta.
Sa huling monitoring ng DOST-PAGASA, umabot na sa critical level ang Angat Dam at inaasahang bababa sa 173.13 ang water elevation sa katapusan ng Mayo, mababa sa 180-meter minimum operating water level.
Tiniyak ng Maynilad na inihahanda nila ang kanilang contingency measures kabilang ang pag-activate ng deep wells.
Suportado rin ng Maynilad ang pag-develop sa Kaliwa Dam bilang bagong water source.
Facebook Comments