Posibleng maulit ang krisis sa tubig sa Metro Manila sa susunod na taon.
Ito ay kung wala pa ring bagong water source ay Maynilad at Manila Water.
Sa kabila kasi ng mga pag-ulan, kritikal pa rin ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Kaya ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, kung kulang pa rin ang mga pag-ulan para mapunan ng tubig ang Angat Dam, panibagong pahirap na naman ito sa publiko.
Samantala bukod sa tubig-ulan, pwede rin umanong pagkunan ng tubig ang Manila Bay at mga ilog sa Maynila.
Isasailalim ito sa “desalination” o ang proseso ng pagtanggal ng asin at iba pang dumi.
Pero ayon sa MWSS, posibleng maging triple ang bayarin sa tubig.
Facebook Comments