Nagbabadya ang ‘water crisis’ sa National Capital Region (NCR) sa darating na tag-init.
Ito ang kinumpirma ng National Water Resources Board (NWRB) kung magpapatuloy ang pagbaba ng water level sa Angat Dam.
Nabatid na 98% ng tubig sa buong Metro Manila ang sinusuplayan ng Angat Dam.
Sa pagtaya ng ahensiya posibleng maranasan ang kakulangan sa suplay ng tubig sa NCR pagsapit ng Abril o Mayo ngayong taon.
Sa ngayon ay sinisikap na ng mga water supplier at mga regulator na mapigilan ang pagbaba pa ng water level sa Angat.
Facebook Comments