Hindi na sana naranasan ang kakulangan sa Mega Metro Manila kung agad nang pinasimulan ang Kaliwa Intake Weir project sa Tanay Rizal na unang inalok ng Osaka-based Global Utility Development Corp. Ltd noong 2009 sa ilalim ng 25 year Build Operate Transfer (BOT) scheme.
Sinabi ni Toshikazu Nomura, CEO ng GUDC malaking tulong sana ang proyekto nilang ito para maibsan ang kakulangan sa suplay ng tubig sa Mega Metro Manila lalo na ngayon.
Niliwanag din ni Nomura na ang kaliwa Intake Weir ay may 7 meters na taas lamang at 16 kilometer na tunnel na magbibigay ng 550 million liters ng tubig kada araw, mas mababa ang gagastusin ng gobyerno, hindi makakasira sa kapaligiran at sinusuporatan ng mga komunidad dahil hindi sila mare-relocate sa lugar.
Ito ay may P410 milyon halaga lamang na gastos sa gobyerno.
Ang Kaliwa Intake Weir project ay iba kaysa sa Chinese proposal na magkakaloob ng 600 million liters ng tubig pero ito ay may 734 meters na taas at 22.5 kilometer tunnel na ilalagay sa kagubatan ng Infanta, Quezon na magdudulot ng pag-relocate sa 424 pamilya sa Infanta, Quezon at mag-aalis sa 4,700 indibidwal sa Daraitan Village.
Ang Chinese firm ay gagastusan ng pamahalaan ng P800 milyon.
Binigyang diin ni Nomura na kung noon pa mang 2009 ay inaprubahan na sila noong unang inalok ng GUDC ng tulong ang MWSS para sa dagdag suplay ng tubig, malamang anyang walang magaganap na krisis sa tubig ngayon sa Mega Metro Manila.
Muling inialok ng tulong sa pamahalaang Duterte ang Osaka-Based Global Utility Development Corp. Ltd (GUDC) para maresolba ang krisis sa tubig sa Mega Metro Manila at karatig lalawigan.