Kasalang Tom Rodriguez at Carla Abellana, usap-usapan

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginagawang wedding preparations nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Sa isang interview, inamin ni Tom na nasa maayos na daw ang lahat at kanila itong pinaghahandaan.

Nang tanungin naman si Carla kung nag-propose na si Tom, natawa ito saka sumagot ng “sikreto”.

Say ng actress, nasa hustong edad naman na daw siya at saka iginit na hindi naman daw siya tatagal sa isang relasyon kung hindi nito gustong makasama ang love one pang-habang buhay.

Sa huli, hindi naman na nagbigay pa ng detalye si Tom pero inihayag nito na konting panahon na lamang ang kanilang inaantay.

Facebook Comments