KRITIKAL | 15-anyos na binatilyo, kritikal matapos saksakin ng nambu-bully sa kaniyang kapatid

Malabon City – Kritikal ang isang 15-anyos na binatilyo matapos saksakin ng mga nambu-bully sa kaniyang kapatid sa Malabon City.

Sa ulat, nakita ni alyas ‘Boy’ na nilulunod ng 14-anyos na suspek at ng kaibigan nito ang kaniyang nakakabatang kapatid sa isang palaisdaan sa Baran gay Muzon kaya at ipinagtanggol niya ito.

Pero bago makalapit ay bumunot ng patalim ang suspek at inunda yan ng saksak sa tiyan ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek at ang kasama nito matapos ang insidente kung saan naisugod naman sa Tondo Medical Center ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan.

Facebook Comments