KRITIKAL | 7 taong gulang na batang babae, kritikal matapos gahasain sa India

Kritikal ang isang pitong taong gulang na babae matapos magahasa gamit ang isang metal water pipe sa New Delhi, India.

Sa ulat, dinala ng 21-anyos na suspek ang biktima sa isang park at dito na ginawa ang masamang balak.

Sumailalim na sa matinding operasyon ang biktima habang naaresto na ang suspek.


Inihahanda na ang rehabilitation plan para sa biktima.

Ikinalulungkot naman ng mga awtoridad sa New Delhi na hindi pa rin matapos-tapos ang mga ganitong uri ng kaso sa kanilang lugar.

Facebook Comments