KRITIKAL | Anchor ng DYGB FM RMN, sugatan sa pamamaril sa Barangay Daro, Dumaguete City

Dumaguete City – Nasa kritikal pa ngayon ang lagay ng isang broadcaster, public affairs anchor sa DYGB FM RMN Station matapos binaril ng riding in tandem kahapon alas 10 ng umaga.

Ang biktima si Edmund Sestoso, isang kilalang broadcaster at commentator sa Negor. Pagkatapos ng kanyang programa umuwi ang biktima sakay ng tricycle sa kanyang tinitirhan sa Barangay Daro, Dumaguete City.

Sa imbestigastion ng PNP dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo ang bumaril sa biktima.


Dahil sa maraming tama ng bala agad dinala sa medical center ang biktima na ngayon ay isailalim ng operasyon.

Wala pang lead ang PNP at patuloy parin sa kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments