KRITIKAL | Construction Worker na nasa drug watchlist, pinagbabaril sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City

Pasig, Philippines – Nasa krital na kalagayan ngayon sa Rizal Medical Center ang isang construction worker matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa United Street kanto Sheridan Street, Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Nakilala ang biktima na si Alfredo Baderes, 44 anyos construction worker at residente No. 193 Champaca St., Brgy. Pineda, Pasig City.

Ayon kay PO3 Manuel Loria ng Pasig PNP nagsasagawa aniya ng pag iinspeksyon ang security guard na si Emelito Moratalla sa main gate ng Pioneer Unilab, nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril, at ng kanyang tingnan nakita nito ang biktima na nakahandusay na sa kalsada kaya agad siyang humingi ng tulong sa Pasig Police Station at tumawag sa Kapitolyo Emergency Unit kung saan agad na dinala ang biktima sa Rizal Medical Center.


Ayon naman sa pahayag ni Dr. Jillian Yap, ang Attending Physician, ng biktima nasa critical condition si Baderes dahil sa tinamo nitong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Napag-alaman pa sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na si Afredo Baderes ay napabilang sa Station’s drug watchlist bilang kategoryang Pusher/User.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang pulisya at inaalam kung mayroong CCTV sa lugar ng pinangyarihan ng krimen upang matukoy at maaresto ang mga salarin.

Facebook Comments