KRITIKAL | Isang barangay kagawad, pinagbabaril sa Pasay City

Pasay city – Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay. 1, Pasay City

Nakilala ang biktima na si Teresita Biscocho na kakapanalo pa lamang nitong barangay election bilang kagawad.

Sa inisyal na imbistigasyon, isang lalaking nakasuot ng helmet, itim na damit at maong na pantalon ang siyang bumaril sa biktima habang nakatambay ito sa labas ng kanilang bahay.


Mabilis na tumakas ang suspek kung saan agad na isinugod sa ospital ang kagawad na nasa comatose na kalagayan.

Sa record ng pulisya, pasok sa drug watch list si Kagawad Biscocho at ito ay kinokonsindera bilang high value target.

Facebook Comments