KRITIKAL | Lalaki, kritikal matapos saksakin ng kainuman sa Malabon City

Malabon City – Kritikal ang isang lalaki matapos saksakin ng kainuman sa loob ng isang bar sa Malabon City.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rodolf John Villaluna habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa ulat, nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang apat na kaibigan sa ikalawang palapag ng J-Spot Bar sa Gov. Pascual Avenue Barangay Concepcion.


Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa makaraang hindi hanggang sa bigla na lamang naglabas ng ice pick ang suspek at inundayan ng saksak sa dibdib at ulo ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima ng kanyang kapatid na si Joselito sa hospital.

Facebook Comments