KRITIKAL NA KONDISYON | Tricycle driver, pinagbabaril sa Mandaluyong

Mandaluyong City – Sugatan ang 20-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin malapit sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong City Police Chief Senior Supt. Moises Villaceran, minamaneho lang umano ng biktimang si John Paul Domingo ang kaniyang tricycle nang bigla siyang paputukan ng dalawang suspek na pawang mga nakatakip ang mukha at parehong nakasakay sa motorsiklo.

Isa pa sa kanila ang bumaba ng motorsiklo para targetin si Domingo.


Sa ngayon ay nasa kritikal pang kondisyon ang biktima sa Mandaluyong City Medical Center matapos magtamo ng hindi bababa sa isang tama ng bala sa dibdib.

Facebook Comments