Kritisismo sa mga ayuda program, dapat itigil na matapos ang resulta ng survey na pabor dito

Umapela si House Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez na tigilan na ang paninira sa mga programa ng gobyerno na nagbibigay ng ayuda.

Panawagan ito ni Suarez kasunod ng resulta ng magkahiwalay na survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia na nagpapakitang 80 hanggang 90 porsiyento ng mga Pilipino ang kumikilala sa benepisyo ng social welfare programs.

Pangunahing inihalimbawa ni Suarez ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), at Walang Gutom Program.


Hindi rin tama at hindi patas para kay Suarez na sabihin na ginagawang dependent sa gobyerno ang mga binibigyan ng ayuda.

Facebook Comments