
Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na darating na sa bansa sa susunod na linggo ang 300,000 bariles ng diesel na inangkat ng Pilipinas mula sa mga karatig-bansa.
Ayon sa DOE, ito ang unang bugso ng langis na binili ng ahensya upang matiyak ang sapat na suplay sa mga susunod na buwan sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Sa kabila nito, aminado ang DOE na maliit lamang ito kumpara sa tinatayang arawang konsumo ng diesel sa bansa.
Iginiit ni DOE Secretary Sharon Garin na kailangang magkaroon ng strategic oil reserve ang bansa upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng petrolyo.
Facebook Comments










