KSMBPI, sinampahan ng kasong kriminal ang Viva celebrities sa Pasay City Prosecutors Office

Sinampahan ng Kapisanan ng Social Media ng Brodkaster ng Pilipinas (KSMBPI) ng kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 ang Vivamax top celebrities sa Pasay City.

Ayon kay Atty. Mark Tolentino, abogado ng KSMBPI, ang kaso ay nag-ugat matapos mag-post ng mga sex scene sa kanilang personal account sa Facebook kabilang si Angeli Khang.

Dagdag pa ni Tolentino, hindi ang Vivamax ang kanilang idinemanda kung hindi ang mga sexy star nito dahil sa pagpo-post ng mga malalaswang sex scene na maaring ma-access ng mga bata lalo na open ang Facebook sa publiko.


Samantala, bukod sa mga nasabing pangalan, nakatakda ring sampahan ng kaso sina AJ Raval, Arriane Misola At Azi Acosta.

Facebook Comments