KUDETA | Hirit ng DOJ na warrant of arrest vs Trillanes submitted for resolution na

Anumang araw magmula ngayong ay posibleng ilabas na ni Makati Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Bartolome Soriano ang desisyon hinggil sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na ma-isyuhan ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) si Senator Antonio Trillanes kaugnay ng kasong kudeta.

Sa apat na pahinang order ni Judge Soriano matapos matanggap ang isinumiteng reply o tugon ng prosecution panel sa inihaing formal offer of exhibit o mga karagdagang ebidensya ng kampo ni Trillanes ay itinuturing nang submitted for resolution ang inihaing Urgent Ex-Parte Motion for Issuance of Hold Departure Order (HDO) at alias Warrant of Arrest (WOA) ng DOJ laban sa senador.

Nakasaad din sa order ni Judge Soriano na karamihan mga ebidensya na naisumite noong nagdaang pagdinig ay tinatanggap ng korte.


Maliban lamang sa exhibits number 9 at 12 na hindi tinanggap ng korte dahil hindi duly authenticated ang mga ito.

Saka-sakaling maglabas ng WOA at HDO ang korte laban kay Trillanes makukulong ito dahil nahaharap ito sa non bailable case na Coup d’etat.

Facebook Comments