Tuesday, February 3, 2026

Kudeta sa liderato ng senado, itinanggi ni SP Sotto at mga senador

Hindi pinalitan sa kanyang pwesto si Senate President Tito Sotto III sa kabila ng mga umugong na balita noong weekend na isang babae ang papalit sa kanyang pwesto bilang Senate President.

Sa idinaos na sesyon ay walang senador ang tumayo para i-move ang pagbakante sa pwesto ng Senate President.

Sa magkakahiwalay na panayam sa mga senador, sinabi ni Sotto na kumpyansa siya sa suporta ng 14 na senador at pinabulaanan din ang bantang kudeta laban sa kanya.

Samantala, mabilis namang pinabulaanan ni Senator Loren Legarda na siya ang posibleng pumalit kay Sotto at wala rin siyang nalalaman sa pinaplanong kudeta.

Itinanggi rin nina Senators Erwin Tulfo, JV Ejercito at Risa Hontiveros ang umuugong na kudeta.

Samantala, aminado naman si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na lagi namang gugustuhin ng minorya na maging majority pero sa ngayon ay aminado siyang malabo ito.

Facebook Comments