Kuko na may disco lights, trending!

Manila, Philippines – Trending ngayon ang isang nail technician dahil sa unique at kakaiba nitong style at design na inilalagay sa mga kuko ng kaniyang customer.

Naisip kasi ni Park Eunkyung na lagyan ng multi-colored led ang mga kuko na parang disco lights ang itsura.

Mayroon itong maliit na battery na nakakabit kung saan kapag nailagay na ito sa totoong kuko ay talaga naman ma-eenganyo ang iba na magpalagay na din nito.


Mas lalo pang dumami ang mga customers ni Park matapos niyang i-post sa twitter at instagram ang mga video ng kaniyang creations at plano daw niya itong ibenta sa ibang bansa sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments