Manila, Philippines – Kukumpirmahin pa ng Philippine National Police kung nagbalik na rin sa pagpatay ang mga vigilante, ito ay sa gitna nang nagpapatuloy na laban ng pamahalaan kontra illegal na droga.
Ito ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde ay dahil mahirap pang tukuyin sa ngayon kung mayroon nang mga sumasabay o nagti- take advantage sa War on Drugs ng PNP.
Marami kasi aniyang rason kung bakit nagkakaroon ng vigilante killings. Isa na dito, ang onsehan sa droga ng magkakaibang drug groups. Posible aniya na sila’t sila ring nag nagpapatayan dahil malaking pera ang involved sa mga illegal drug trade.
Ayon kay Albayalde, hindi pa rin kasi tuluyang nalilinis sa illegal na droga ang bansa, kaya’t hindi malabo na mayroon talagang mga makikisabay dito.