Manila, Philippines – Kukunin na ng South Korean government ang tone-toneladang basura na itinambak nito sa Misamis Oriental.
Ayon kay Kim Sunyoung, Minister Counselor ng Korean embassy – natuklasan nila na misdeclared ang laman ng mga container.
Idineklara kasi na mga recycled plastic material ang kargamento pero nang inspeksyunin, mga pira-pirasong kahoy, metal at basura na hindi dumaan sa tamang recycling process ang laman nito.
Iniimbestigahan na rin daw ng kanilang Bureau of Customs sa Seoul ang kompanyang nagpasok ng kargamento.
Facebook Comments