KUKUPKUPIN | Mga senador na hindi pinasok sa senatorial line up ng PDP-LABAN, maaring kunin ng partidong binuo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Manila, Philippines – Bukas si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kupkupin sa kaniyang binuong partido ang mga senador na hindi nakapasok ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-LABAN).

Ayon sa alkalde, handa niyang kunin para maging bahagi ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang mga senador na inityapwera ng PDP-LABAN.

Hinihintay na lamang ang accreditation bilang national party ang binuong partido ni Mayor Duterte.


Posibleng kunin sa HNP sina Senador JV Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Sonny Angara at Cynthia Villar na pawang mga re-electionist.

Facebook Comments