KUKWESTYUNIN? | Appointment ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, balak kwestyunin sa Office of the Solicitor General

Manila, Philippines – Iminungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Office of the Solicitor General na kuwestyunin ang appointment ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Paliwanag ng House Speaker, ang ginagawang impeachment proceedings ng kamara ay may kaugnayan sa mga grounds na nangyari matapos itong maitalaga sa posisyon.

Ang pagkuwestyon naman anya sa korte ay may kaugnayan sa mga batayan bago ito naging punong mahistrado.


Sinabi naman ni Alvarez na korte na nagmagpapasya kung ano ang mangyayari sa mga kaso na nadesisyunan kasama si Sereno sakaling ideklara na hindi valid ang appointment nito.

Facebook Comments