KUKWESTYUNIN | Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, planong idulog ni Senator Trillanes sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV na kwestyunin sa Kataas-Taasang Hukuman ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas sa International Criminal Court o ICC.

Giit ni Trillanes, walang bisa ang nabanggit na hakbang ng Pangulo dahil kailangan itong ratipikahan o pagtibayin ng senado.

Inihalimbawa pa ni Trillanes ang naging pasya ng Supreme Court ng South Africa na kailangan ang concurrence ng lehislatura at hindi Pangulo lamang sa pagkalas sa ICC.


Buo din ang paniniwala ni Trillanes na ang hakbang ni Pangulong Duterte ay nagpapakita ng takot dahil posibleng sa mga susunod na buwan ay magsimula na ang imbesigasyon ng ICC sa reklamong kinakaharap nito kaugnay sa pagkamatay ng libu libong drug suspek sa bansa.

Kumpyansa si Trillanes na ang hindi pakikipagtulungan ng ating gobyerno sa paggulong ng proseso ay magtutulak sa ICC para magpalabas ng warrant of arrest laban kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments