KULANG ANG EBIDENSIYA | 17 million pesos na tax evasion case ng anak ni Janet Lim-Napoles, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng Court of Tax Appeals third division ang P17-million tax evasion case ni Jeane Napoles, anak ng pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

Batay sa isang resolusyon na may petsang December 6 at pirmado ni associate Justice Lovell Bautista, ibinasura ang criminal cases numbers o-452 at o-453 ni napoles dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Una nang inakusahan ni Jeane ng hindi pagbabayad ng income tax mula 2011 hanggang 2012 para sa pag-aari niya na isang P54.73 million na condominium unit sa Ritz Carlton sa Los Angeles, California at co-ownership na farm lots sa pangasinan na nagkakahalaga ng P1.49-million.


Iginiit ni Jeane na isa lamang siyang estudyante na walang taxable income at iniregalo lamang sa kanya ang condo unit.

Facebook Comments