Nakukulangan ang Associated Labor Unions sa P41.50 na dagdag pasahod na ipinatupad ng wage board sa Eastern Visayas.
Batay sa wage adjustment, P41.50 ang ipinatupad na daily minimum wage sa mga nasa non-agricultural jobs.
Sa mga establishments mayroon hindi bababa sa sampung empleyado, P23.50 ang naidagdag sa daily pay.
Para sa mga agricultural jobs, P13.50 ang naidagdag.
Ayon kay Alan Tanjusay, spokesperson ng labor group Associated Labor Unions, hindi nakakatulong ang pagputol putol sa maliliit na seksyon ng wage adjustment.
Aniya, maglilipatan lamang ang mga manggagawa sa mga malalaking lungsod at lilikha ito ng bagong mukha ng kahirapan.
Hindi aniya nalutas ang problema dahil sa bandang huli ang mga amo ang makikinabang dito.
Facebook Comments