Konti nalang ang budget ng Department of Education (DepEd) para sa kalamidad ngayong taon.
Ito ang kinumpirma ni DepEd Undersecretary Anne Sevilla sa DZXL 558 RMN Manila.
Ayon kay Undersecretary Sevilla hindi pa lubos na na-recover ang mga paaralan sa central at northern Luzon dahil kay Ompong at ngayon si Rosita naman ang nananalasa.
Nangangamba sila na baka kapusin ang kanilang pera para mapaayos ang mga silid-aralan na sinara ng mga nagdaang kalamidad.
2 bilyong piso ang pondo sa quick response kada taon pero madami na silang nagastos na nilaan sa pagkain, pagpapagawa ng bubong libro at computer.
Susulat ang DepEd sa Department of Budget and Management (DBM) kalakip ang mga detalye ng gastusin para patunayan na kapos na ang kanilang pananalapi.
Samantala sa ngayon 8 milyong at 800 daan estudyante ang apektado at hindi makapasok dahil sa bagyong Rosita.