Ang mga nabigyan ng libreng binhi ng palay ay mula sa barangay Marabulig I at II.
Pinangunahan nina City Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr. at Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculture Officer ng Lungsod ng Cauayan ang pamamahagi ng Hybrid Rice Seeds kasama ang mga Konsehal ng Lungsod.
Ayon kay Engr. Alonzo, target ng DA na mabigyan lahat ng libreng binhi ang mga magsasaka kung kaya wala aniyang pinipili rito.
Kinakailangan lang aniya na naka-enrol sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o (RSBSA) ang isang magsasaka para mapabilang sa datos ng ahensya.
Sa mensahe naman ni City Mayor Jaycee Dy Jr, asahan aniya ang tuloy-tuloy na modernisasyon at pamimigay ng tulong sa mga magsasaka para lahat ng mga nagsasaka ay umangat sa buhay.
Hinikayat nito ang mga dumalong magsasaka na maging aktibo sa mga meeting ng barangay para laging updated sa mga programa ng ahensya at ibinibigay na tulong sa mga magsasaka.
Hiniling din nito ang tulong ng mga nabigyang magsasaka na sabihan din ang iba pang farmers na magpatala sa RSBSA para makinabang rin sa mga programa ng DA.