Kinuwestyon sa Senado ang mga mali at kulang-kulang na detalye sa mga proyekto ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH).
Sinita ni sen. Panfilo Lacson ang nasa 2.2 Billion Pesos na halaga ng proyekto.
Pinuna rin ni Lacson ang mga itatayong tulay na nasa kalahating Milyong Piso lang ang pondo.
Nagulat naman ni Senate Minority Leader Franlin Drilon ang ulat ng DPWH hinggil sa bilang ng mga silid aralan mula 2016 hanggang 2018 na aabot sa higit 98,000.
Depensa ni DPWH Sec. Mark Villar, kinapos sila ng oras kaya magulo ang mga isinumiteng proyekto.
Tiniyak naman ng kalihim na aayusin ito.
Suportado naman ng Malacañang sa panukalang magbibigay ng Special Powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang usad ng Build Build Build.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tatanungin niya ang Pangulo hinggil dito.
Tinabla naman ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil ayaw na ito ng Pangulo.