KULANG-KULANG P300K HALAGA NG AYUDA, IPINASAKAMAY SA MGA TUPAD WORKERS SA CABARROGUIS, QUIRINO

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 299,700 pesos na halaga ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ang ipinasakamay ng DSWD FO2 sa bayan ng Cabarroguis, Quirino.

Nasa walumput isang (81) benepisyaryo ang naghati-hati sa naturang halaga bilang bayad sa kanilang pagtatrabaho ng sampung (10) araw sa kanilang munisipalidad.

Ang pamamahagi ng sahod ng mga TUPAD workers ay dinaluhan mismo ni Regional Director Joel M. Gonzales, DOLE-Quirino Field Office Head Laura B. Diciano, at ni Cabarroguis Mayor Willard V. Abuan.

Facebook Comments