Posibleng kulang pa rin sa impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine ang ilang taga-Mindanao kaya mababa pa ang immunization rate sa rehiyon.
Sa panayam ng RMN Manila, tiniyak ni Vaccine Expert Panel (VEP) Chairperson Dra. Nina Gloriani na sapat ang alokasyon ng bakuna sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Bukod dito, bumaba na sa 8% ang vaccine hesitancy ng mga Pilipino mula sa 34% noong nakaraang buwan.
Pero aminado si Gloriani na mababa pa ang vaccination rate sa Mindanao at posibleng dahil ito sa kakulangan nila ng impormasyon tungkol sa mga bakuna lalo na ang mga nasa liblib na lugar.
Una rito, nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte na ilang komunidad sa Mindanao ang ayaw magpabakuna dahil sa kanilang paniniwala.
Facebook Comments