KULANG NA SUPLAY | TNC na Grab, iginiit na kulang ng supply ng driver at pumapasadang sasakyan para punan ang daan-daang libong bookings

Manila, Philippines – Isinisisi ng Transport Network Company (TNC) na Grab ang kakulangan sa supply ng sasakyan at driver kung bakit mahirap ang pagbo-book ng rides.

Aminado si Grab Philippines Country Head Bryan Cu, na mayroon lamang silang 35,000 na bumibiyaheng sasakyan para pagsilbihan ang nasa 600,000 bookings kada araw.

Mataas ang demand ng mga pasaherong nagpapa-book kaysa sa mga naide-deploy nilang sasakyan.


Umaapela ngayon ang Grab sa Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) na payag ang mga displaced Uber drivers na makapag-operate sa ilalim ng TNC na nais nila.

Mula sa 19,000 Uber drivers, 11,000 lamang ang lumipat sa Grab.

Facebook Comments