KULANG | NFA council, balak magsagawa ng audit sa operasyon ng ahensya

Manila, Philippines – Balak ng National Food Authority (NFA) counsil na magsagawa ng audit sa operasyon ng NFA matapos punahin dahil sa paiba-ibang pahayag tungkol sa umano ay kakulangan ng suplay ng bigas.

Ayon kay Office of the Secretary to the Cabinet, Assistant Secretary Jonas Soriano, makakatulong ang audit sa procurement at monitoring processes ng NFA na may mandatong tiyakin ang murang bigas sa merkado.

Aniya ang commission on audit ang magsasagawa nito para malaman din ang kasalukuyang operasyon ng NFA pagdating sa procurement at distribution processes.


Pero nilinaw ni Soriano na ang pagsasagawa ng audit ay hindi ibig sabihin ay nagkakaroon na ng mismanagement sa NFA, layunin lamang nito na alamin ang problema sa loob ng ahensya.

Facebook Comments