Muling pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 at DTI-CARP Pangasinan ang mga negosyante at mamimili tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng No Shortchanging Act of 2016 o Republic Act No. 10909.
Layunin ng batas na protektahan ang pera ng mga konsyumer at tiyakin na tama at buo ang sukli sa bawat transaksyon.
Ipinagbabawal ng nasabing batas ang panlalamang sa sukli, kabilang ang pagbibigay ng kulang na halaga o pagpapalit ng sukli sa kendi o anumang produkto.
Sa ilalim ng batas, malinaw na hindi maaaring gawing dahilan ang kakulangan ng barya upang hindi maibigay ang tamang sukli, maging ang ‘thank you’ bilang kapalit.
Hinihikayat ng DTI ang publiko na maging matalino at mapanuring mamimili, partikular ngayong papalapit ang araw ng mga puso bilang paalala sa mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










