Nararanasan umano ngayon ang shortage sa sibuyas sa Lalawigang Pangasinan ayon sa Provincial Agriculture. Kaya naman ang karamihan sa mga negosyate at tindera ay kinakailangan pang mag-angkat ng sibuyas sa ibang lalawigan.
Ayon sa ilang negosyante ito ay marahil epekto ng maliit na produksyon ng sibuyas sa lalawigan dahil sa patuloy na masamang panahon. Matatandaang halos magkakasunod na linggong inulin at binaha ang maraming lugar sa Pangasinan na naging sanhi ng baha hindi lamang sa mga kalsada kundi pati sa ilang palayan.
Dahil sa shortage tumaas ngayon ng isang daan ang kada kilo ng pulang sibuyas na dati ay nasa 70 hanggang 80 pesos lang per kilo at ganun din ang putting sibuyas na nasa 80 pesos per kilo. Sa ngayon ay nagbigay na ng permit to import ang Department of Agriculture para sa puting sibuyas dahil sa kawalan ng supply nito. Kapag magpapatuloy naman ang shortage sa pulang sibuyas, ay maglalabas narin sila ng permiso para makapag anggat ng supply para dito.
KULANG? | Onion shortage, nararanasan sa Pangasinan
Facebook Comments