KULANG PA? | DOTr, hindi dapat magmalaki sa mga araw na hindi nagkakaaberya ang MRT

Manila, Philippines – Kulang pa sa “effort” ang Department of Transportation para magmalaki na hindi nagkakaaberya ang mga tren nitong mga nagdaang Linggo.

Giit ni Anakpawis PL Rep. Ariel Casilao, hindi dapat ikatuwa at ipagdiwang ng ahensya ang halos isang Linggong walang aberya sa MRT dahil kulang pa ito sa naranasang pagdurusa ng mga pasahero sa nakalipas na dalawang taon.

Ang sentimyento aniya ng publiko ay sa halip na matuwa ay lalo lamang silang naiirita dahil sila ang pumapasan sa gross negligence o kapabayaan ng pamahalaan.


Dahil dito, hindi aniya dapat pina-publicize ang maliit na achievement na ito kahit pa sa social media.

Sinabi pa ni Casilao na ngayong nai-deliver at dumating na sa bansa ang mga pyesa sa mga nasirang bagon, wala nang rason sina Transportation Sec. Arthur Tugade na bigyan ng sakit ng ulo ang publiko.

Dagdag pa ng kongresista, dapat pang magtrabaho ng double-time ang pamahalaan para maibalik muli sa kanila ang nawalang tiwala ng taumbayan.

Facebook Comments