KULANG PA? | ‘House for rent’ sa mga pabahay na ipinagkaloob sa Kadamay, iimbestigahan ng NHA

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Housing Authority (NHA) ang umano’y ginagawang pagbebenta ng ilang miyembro ng Kadamay sa mga pabahay na pinagkaloob sa kanila ng gobyerno.

Ayon kay NHA-resettlement and development manager Elsie Trinidad, sa isang housing project 667 mula sa 1476 housing unit ay pinarerentahan na sa iba.

Aniya, kahit na inokopa na ng kadamay ang mga pabahay sa pandi, bulacan ay hindi pa rin sila maituturing na beneficiaries.


Kailangan pa kasi aniyang dumaan ang mga ito sa screening process para malaman kung sila nga ay kwalipikado.

Giit naman ni Joan Toribio, Kadamay Spokesperson, kulang ang tulong ng gobyerno kaya humahantong sa pagsasanla o pagbebenta ng kanilang bahay.

Inaalam na rin ng nha ang iba pang lugar na laganap ang bentahan ng pabahay ng gobyerno para mapanagot ang mga lalabag sa Urban Development and Housing Act
of 1992.

Facebook Comments