Manila, Philippines – Duda ang Pangulong Duterte na makakamit ng bansa ang target ng Dept. of Agriculture na maging rice self-sufficient ang Pilipinas.
Sinabi ng pangulo na hangga’t may gulo sa Mindanao at patuloy ang pangingikil ng NPA, malabo aniyang mangyari ito.
Ayon pa sa pangulo , bagamat mataba ang lupa sa Mindanao, puro aniya cash crop o pang-export ang mga itinatanim sa malaking bahagi ng rehiyon, tulad ng pinya, saging, at durian
Napeperwisyo din aniya ang mga magsasaka o mga may ari ng sakahan o plantasyon dahil sa patuloy na pangingikil ng mga rebelde at pagsunog sa mga kagamitang pang-agrikultura.
Facebook Comments