KULANG PA | Tubig na ibinuhos ng Habagat, hindi sapat para umapaw ang La Mesa Dam

Quezon City – Sa kabila ng malaking volume ng tubig na ibinuhos ng hanging Habagat, hindi naman ito sapat para umapaw ang water level sa La Mesa Dam na imbakan ng suplay ng tubig para sa mga residente ng National Capital Region.

Ayon kay Engr. Tomas Ortega, ang head works manager ng La Mesa Dam, ang volume ng tubig na sinalo ng dam ay sapat lamang para mapalitan ang bumagsak na water level ng dam noong nakalipas na summer season.

Sabi pa ni Ortega, kung gaganda na ang panahon sa susunod na mga araw gaya ng pagtaya ng PAGASA, ay malayong umapaw ang tubig ng dam.


Batay sa record ng water reservoir, nasagad ang imbak na tubig ng dam na nakapagtala ng 70.6 meters na water level noong buwan ng Mayo.

Alas-nuebe ngayong umaga, nasa 79.04 meters ang lebel ng tubig ng La Mesa Dam, na bagamat tumaas ng bahagya mula sa 79.03 meters kaninang alas-otso ng umaga ay malayo pa sa 80.15 meters na spilling level nito.

Facebook Comments