Manila, Philippines – Inamin mismo ng Deputy Chief ng K9 operation ng Explosive Ordinance Division na si Supt. Reynaldo Helaga na kulang na kulang ang kanilang K9 dogs para magamit sa mga ginaganap na malalaking aktibidad sa bansa.
Aniya sa ngayon mayroon lamang 200 aso ang PNP, pero mayroon naman silang 45 aso na ngayon ay sinasanay habang may 48 pang aso ang under evaluation.
Kaya umaasa si Supt. Helaga na bago matapos ang taong ito ay aabot na sa 300 ang aso ng K9 unit.
Nagkakahalagang 200 libo hanggang 300 libo ang bawat aso pero aniya ito ay mga trained dog na.
Naniniwla si Helaga na napaka-halagang may sapat na bilang ng aso, para magamit at maihanda sa mahahalagang aktibidad sa Kamaynilaan at iba pang rehiyon.
Dagdag pa niya lalo’t hindi maiaalis na naghahanap lamang ng pagkakataon ang mga terorista mula Marawi ang lugar na sinalakay ng ISIS para makapaghasik ng gulo.