KULANG SA BUDGET | Libu-libong nurse sa bansa, nanganganib na mawalan ng trabaho

Manila, Philippines – Libu-libong nurse sa bansa ang nanganganib na mawalan ng trabaho nasa ilalim ng deployment program ng Department of Health.

Ayon kay Nars Party-List Representative Leah Paquis, aabot sa labing dalawang libong (12,000) contractual nurses ang posibleng hindi na ma-renew ang kontrata dahil umano sa kakulangan sa budget.

Bukod sa mga nurse, apektado rin aniya ang ilang doktor midwife at mga pharmacist.


Pero paglilinaw ni health undersecretary roger tong an, nasa mahigit 1,000 nurse lang ang nawalan ng trabaho.

Kailangan aniya magbawas ng tao para maitaas ang suweldo ng mga naiwan sa ilalim ng salary standardization program.

Idinagdag pa niya na ang pagre-renew ng kontrata ng mga nurse ay depende sa kanilang mga performance.

Tiniyak naman ni tong-an na patuloy na nakikipag-usap ang doh sa Department of Budget and Management para madagdagan ang plantilla position para sa mga nurse.

Gayunman, tuloy umano ang laban ng mga nurse na may ikinakasang mass walkout sa Pebrero.

Facebook Comments