KULANG SA EBIDENSYA | Dating Caloocan Mayor Enrico Echiverri, abswelto sa kasong graft sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Abswelto na si dating Caloocan Mayor Enrico Echiverri sa kasong graft na may kinalaman sa 8.8 million pesos roads improvement project and drainage system sa Phase 6 Green Valley, Brgy. 178, Caloocan City.

Kinatigan ng Sandiganbayan 1st division ang Motion to Dismiss on Demurrer to Evidence o hiling na ipawalang-saysay ang kaso dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensya.

Bigo umano ang prosekusyon na patunayan ang pagkakasala ng mga akusado.


Nakalusot rin sa kasong graft at falsification of public documents ang 2 opisyal ng Caloocan na sina Edna Centeno at Jesus Garcia.

Si Echiverri ay nahaharap sa 44 counts ng kasong graft sa iba`t ibang division ng Sandiganbayan at ito pa lamang ang unang graft case na ibinasura ng korte.

Facebook Comments