KULANG SA EBIDENSYA | Kasong isinampa laban sa pumatay sa Italian missionary, binawi

Manila, Philippines – Binawi ng NBI ang kasong kriminal na isinampa nito sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang sibilyan na nasangkot sa pagpatay kay Italian missionary Fausto “Pops” Tentorio noong October 2011.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, head ng investigating panel, naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) motion to withdraw para sa reklamong murder at attempted murder na pending sa North Cotabato Provincial Prosecutor’s Office laban sa magkapatid na Jose Sultan Sampulna at Dima Sampulna.

Kakulangan sa ebidensya ang naging findings ng DOJ sa paunang imbestigasyon laban sa Sampulna brothers.


Bunga nito, ipinag-utos ng panel ang paghahain ng panibagong murder complaint laban sa iba pang mga suspects, kabilang na sina Leutenant Colonel Joven Gonzales at Major Mark Espiritu, at sa mga kasapi ng paramilitary group na “Bagani.”

Si Tentorio ay binaril noong October 17, 2011 sa loob ng simbahan sa Arakan, Cotabato.

Facebook Comments