Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na malabong tuluyang malinis ang voters list sa bansa para sa 2018 Barangay at SK Elections.
Sa interview ng RMN kay COMELEC Spokesman James Jimenez – kukulangin na sila ng oras lalo nat sa Mayo na ang halalan.
Sinabi ni Jimenez na Disyembre pa lang ng nagsimula ang Election Registration Board hearing kung saan dito ginawa ang paglilinis sa listahan mula sa mga flying voters.
Ang mga nakalusot na aniya dito ay sa kalagitnaan ng Marso pa magagawa.
Ang hakbang ng COMELEC ay kasunod ng natuklasan umanong 1,458 flying voters sa isang barangay sa Pasay City.
Nagbabala din si Jimenez sa mga flying voters na maari silang kasuhan at tuluyan nang matanggal sa listahan ng COMELEC.
Facebook Comments